Para sa patuloy na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod Quezon at Metropolitan Waterworks and Sewerage System, lumagda si Mayor Joy Belmonte sa tatlong Memorandum of Agreement kasama si MWSS Administrator Leonor Cleofas ngayong araw.
Kabilang sa mga napagkasunduan ng QC at MWSS ang pag-renew ng Usufruct Agreement sa paggamit ng mahigit 10,000 square meter na property ng MWSS na kasalukuyang ginagamit ng Balara Elementary School at Balara High School, pagtatayo ng multi-purpose gymnasium sa Brgy. Pansol, at pagbigay ng right of way access sa Bistekville 5.
Nakipagpulong din si Mayor Joy sa pamunuan ng MWSS, Mr. J. V. Emmanuel De Dios ng Manila Water, Mr. Ramoncito Fernandez ng Maynilad, Rep. Franz Pumaren ng District 3, at mga kinatawan ng QC Government sa pangunguna ni City Administrator Michael Alimurung upang talakayin ang iba’t ibang proyekto para sa pagpapaunlad ng La Mesa Eco Park at conservation efforts para sa La Mesa Watershed.
Makakaasa ang mga QCitizens na walang patid ang pakikipag-ugnayan ng QC, MWSS, at mga water concessionaires para makapagbigay ng mahusay at maayos na serbisyo para sa mga mamamayan.