Maaari nang mag-book ng first dose, second dose (defaulter), at booster shots ang mga kabilang sa adult population, habang first at second dose (defaulter) naman para sa pediatric (12-17 years old) population.
ANG BOOSTER SHOTS AY IBIBIGAY SA MGA NABAKUNAHAN NG SECOND DOSE, TATLONG BUWAN O HIGIT PA ANG NAKALIPAS. DALAWANG BUWAN NAMAN MULA SA FIRST DOSE KUNG ANG BAKUNA AY JANSSEN.
Para sa magpapabakuna ng booster, dalhin lang ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card.
Patuloy rin ang pagbabakuna sa adult population ng kanilang first dose.
Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) at pumili sa vaccination sites at schedule.
Pumunta sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.