
Handang-handa na ang SM Skydome para sa pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 taong gulang na magsisimula bukas Pebrero 7, 2022.
Pagpasok pa lang sa loob ng Skydome makikita na ang makulay na dekorasyong pambata na circus ang tema. Magkakaroon din ng mga mascots at party activities para sa mga bata.
Kaya magparehistro na sa inyong barangay o kaya naman ay mag-register o magpa-book ng schedule sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy
Paalala lamang po sa araw ng pagbabakuna, dalhin ang mga sumusunod:
1. Patunay na ikaw ang magulang o guardian ng bata
2. Identification card ng bata at kasamang magulang/guardian
3. Para sa minor na may comorbidity, kailangan ng medical certificate mula sa doktor na nagsasabing maaaring bakunahan ang bata






