Upang mahasa at mapaigting ang kakayahan ng market vendors, hawkers, at street vendors sa lungsod, sinimulan ng lokal na pamahalaan ang Vendor Business School (VBS) Training of Facilitator katuwang ang CGIAR Resilient Initiative.
Pinasinayaan ni Business Permits Licensing Department Head at concurrent Officer-in-Charge ng Markets Development and Administration Department Ms. Margie Santos at QC Food Security Task Force Co-Chairperson Nonong Velasco ang pagbubukas ng training.
Layon ng Vendor Business School na mabigyan ng dagdag na kaalaman sa entrepreneurship, financing, at food safety ang mga vendor sa Quezon City.
Nakilahok sa training ang mga miyembro ng MDAD, SBCDPO, at Food Security Task Force. Bahagi ito ng patuloy na pagpapaunlad ng food systems sa lungsod sa ilalim ng GrowQC Food Security Program.