Upang matulungan sa pangkabuhayan ang mga Persons Deprived of Liberty sa ating QC Jail Female Dormitory, inilunsad ng pamahalaang lungsod katuwang ang SPARK Philippines ang programang “Vote to Tote” kung saan na-repurpose ang mga campaign tarpaulin at tinahi bilang tote bags. Bahagi rin ito ng livelihood project sa ilalim ng “No Women Left Behind”.

Tinuruan ang mga PDL kung paano magtahi at kung paano maibebenta ang mga nagawang produkto. Layon din ng programang maiwasan ang matinding pagbaha dulot ng mga lumang posters.

Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga naging katuwang ng QC sa programa tulad ng Spark! Philippines sa pangunguna ni Ms. Maica Teves, designer and advocate Ms. Zarah Juan, at JSupt. Maria Ignacia Monteron ng QC Jail Female Dorm.

Nakiisa rin sina British Ambassador Her Excellency Laure Beaufils ng British Embassy Manila, TV Host Ms. Gretchen Ho, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Ms. Andrea Villaroman, at QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Ms. Mona Celine Yap.