Makiisa laban sa karahasan sa kababaihan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Womens Month, inorganisa ng QC government at UN Gender Thematic Group ang ‘Walk In Her Shoes’, isang interactive exhibit na may layuning ipabatid ang mga pinagdaraang karahasan at diskriminasyon ng kababaihan.

Tampok sa interactive exhibit ang mga kasuotan at iba pang gamit ng mga babae na naging biktima ng pang aabuso.

Maririnig din sa exhibit ang kwento ng pinagdaang karanasan ng mga biktima.

Matatagpuan ang ‘Walk In Her Shoes’ exhibit sa Quezon City hall main lobby na tatagal hanggang ika- 27 ng Marso.

+17