Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa buong Metro Manila at mga karatig lugar ayon sa PAGASA. Asahan ang malakas na hangin at ulan sa loob ng 18 oras.
Ipinatutupad na ang FORCED EVACUATION sa piling lugar na bahain o may banta ng landslide at nakataas na sa Red Alert ang buong Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council at hinihikayat ang publiko na mag-ingat sa posibleng epekto ng bagyo.Maghanda at mag-ingat po tayong lahat lalo na ang mga nakatira sa landslide prone at low-lying areas.
Para sa emergency, tumawag sa:
• QC Hotline: 122
• Emergency Operations Center: 0916-630-6686, 0961-239-5097
• Emergency Medical Services/Urban Search and Rescue : 892-843-96 (landline); 0947-884-7498 (Smart) 0927-061-5592 (Globe)
Manatiling nakatutok sa weather updates mula sa PAGASA, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council at social media accounts ng Quezon City government. Mag-ingat at mag-handa po tayong lahat sa bagyong #UlyssesPH.