Daan-daang kawani ng gobyerno at health and safety officers ang nakiisa sa fun run na inorganisa ng Department of Labor and Employment – Occupational Safety and Health Center (OSHC) bilang paggunita sa World Day for Safety and Health at Work.
Ayon kay OSHC Executive Director Ma. Teresita Cucueco, ito ang paraan ng pamahalaan para isulong ang kahalagahan ng pagsisiguro ng kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa lalo na sa kanilang pinagta-trabahuan.
Siniguro naman ng Quezon City Law and Order Cluster na ligtas at safe ang bawat kalahok ng fun run.