Kabataang QCitizen, kasama kayo sa hangarin ng Lungsod Quezon tungo sa isang ligtas, malinis, at maka-kalikasang mundo!
Ibinahagi nina Psalm Maria Nazarene Balanderes ng St. Theresa’s College at Keithlin Yzhabelle Quililan ng West Fairview Elementary School ang kanilang pangarap para sa Quezon City, sa ginanap na community engagement event tampok ang iba-ibang negosyo at organisasyon na nagsasagawa ng eco-friendly practices sa SM North EDSA Annex activity center.
Bilang tugon, ipinangako ni Mayor Joy Belmonte na gagawin ng Lungsod Quezon ang lahat para maprotektahan ang kalikasan para sa kinabukasan ng mga kabataan at susunod pang henerasyon. Hinimok niya rin ang mga batang QCitizen na maging bahagi ng solusyon sa pagtugon sa pabago-bagong klima.
Nakiisa rin sa adbokasiya ang SM Supermalls sa pangunguna ni AVP for Operations Jocelyn Lapid-Clarino, Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman, Kabahagi Center Director Karen Sagun, QC Public Library OIC Mariza Chico, at Schools Division Superintendent Carlene Sedilla.
Makikita sa community engagement event ang partner organizations at small businesses ng lungsod na nag-iimplementa ng sustainable initiatives, at mga litratong kuha ng mga batang QCitizen ng Kabahagi Center for children with disability. Bukas ang exhibit mula May 5 hanggang May 7, mula 10AM hanggang 8PM.