Iba-ibang inisyatibo ng Quezon City Government sa pagbabawas ng food waste at pagtitiyak ng nutrisyon ng mga QCitizen ang ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Zero Summit 2023 ng Scholars of Sustenance (SOS).

Kabilang sa mga programa ng lungsod sa pagtataguyod ng food security at circular economy ang pagtataguyod ng urban farming, pagpapatupad ng Healthy Public Food Procurement Policy, at pagsusulong ng calorie labeling policy.

Tinutulungan din ng QC ang mga magsasaka sa kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng Grow QC – Kadiwa.

Sa tulong naman ng UNDP at Japanese Government, nakapaglagay ang lungsod ng 25 biodigester sa mga komunidad na magpo-proseso sa mga sirang pagkain para mapakinabangan pa ng mga residente sa kanilang pagluluto at pagtatanim.

Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor para maisakatuparan ang mga programa.

Ang QC ang kauna-unahang LGU na partner ng SOS na nagsasalba ng mga sobrang pagkain sa mga establisimyento na ibinabahagi sa mga komunidad para matugunan ang kagutuman.

Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sa summit sina Coun. Bernard Herrera, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, Sustainable Development Affairs Unit (SDAU) Head Emmanuel Hugh Velasco, Scholars of Sustenance Founder Bo Holmgreen, SOS Philippines and Thailand Managing Director James Leyson, at mga kinatawan ng iba-ibang local at international groups.

May be an image of 1 person and text
May be an image of 11 people and text
May be an image of 6 people and text that says 'QUEZON ZERO ZERO'
May be an image of 1 person and studying