Nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na Zoom meeting na pinangasiwaan ng Barangay and Community Relations Department (BCRD), para sa mga outgoing at newly-elected barangay officials.
Binigyang-diin ng alkalde na mahalaga ang patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng 142 barangays upang maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo publiko sa QCitizens.
Magkakaroon din ang BCRD ng orientation sa mga bagong halal na opisyal. Layon nitong tulungan ang mga barangay officials na malinang ang kanilang kakayahan bilang public servants.
Hinimok din ni BCRD head Ricky Corpuz ang mga opisyal na tangkilikin ang libreng kursong Leadership and Fundamentals of Public Management ng Quezon City University.