24-HR MAXIMUM HEAT INDEX FORECAST
April 21, 2024 05:01 PM
Valid until 05:30 PM tomorrow
Ayon sa datos ng iRISE-UP, maaaring umabot sa 40°C ang HEAT INDEX sa susunod na 24 oras, na may babalang EXTREME CAUTION.
Maaaring malaman ang Heat Index ng isang lugar gamit ang IRISE-UP ng QCDRRMO. Makikita sa app.IRISEUP.ph ang real-time weather updates at forecasts, at mga datos mula sa mga weather models at instrumentong nakalagay sa strategic areas sa ating lungsod.
Kapag ang heat index ay umabot ng 40°C, otomatikong ipapatupad ang alternative delivery modes of learning (synchronous / asynchronous) sa mga pampublikong paaralan. Tingnan ang buong detalye ng pamantayan sa paglipat sa synchronous / asynchronous classes tuwing matindi ang init ng panahon: https://www.facebook.com/QCGov/posts/734043848910257
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Heat Index, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/733817008932941
Para sa emergency, tumawag lamang sa Helpline 122 o sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office: 8-927-5914/8-928-4396.