Maliit man o malaki, bawat hakbang para sa kalikasan ay mahalaga!
Sama-samang tumawa at natuto sa pagmamalasakit sa kalikasan ang mga kabataan ng QC Kabahagi Center for Children with Disabilities sa puppet show ng librong, ‘Ako Na ang Mauuna’.
Ang palabas ay inihandog ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department at QC Public Library sa mga kabataan bilang bahagi ng selebrasyon ng Earth Day.
Layunin ng palabas na turuan ang mga bata kung paano maging responsable at mapangalagaan ang kalikasan.
Nakiisa sa programa sina QC CCESD head Andrea Villaroman, QCPL OIC Mariza Chico, QC Kabahagi Center Director Karen Sagun, at mga volunteer mula sa Bayanihang QC.




