Maraming lugar sa lungsod ang naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha.
Bilang tugon, patuloy ang Quezon City Government, katuwang ang Department of Engineering at Parks Development and Administration Department, sa pagsasagawa ng mga clearing operations at sa pag-secure ng mga lugar na may nasirang imprastraktura.
District 1
– Clearing operations sa Banawe cor. NS Amoranto
– Installation ng safety barricade sa Banawe cor. NS Amoranto
District 2
– Clearing operations sa Don Vicente St., Brgy. Bagong Silangan
District 3
– Sandbagging ng pothole sa E. Rodriguez, Brgy. Ugong Norte
District 4
– Clearing operations sa Elliptical Road, Brgy. Central
– Clearing operations mula G. Araneta cor. Victory hanggang E. Rodriguez
– De-clogging operations sa Victory at Villa España 1, Brgy. Tatalon
– De-clogging operations sa Main Horseshoe Drive, Brgy. Horseshoe
District 5
– Pag-set up ng temporary charging station sa evacuation center sa Bicol Compound, Brgy. Bagbag
– Floodwater clearing works sa Dunhill St. cor. Viceroy St., East Fairview Park Subd., Brgy. Fairview
– Dismantling ng bumagsak na covered pathwalk sa North Fairview High School, Brgy. North Fairview
– Installation ng safety barriers sa bumagsak na hanging bridge sa Tullahan River, Brgy. Fairview
District 6
– Clearing ng mga bumagsak na debris sa Purok A, Brgy. Culiat
– De-clogging at clearing operations sa Union Drive, Brgy. Culiat
– Clearing ng nasirang riprap sa Quirino Highway, Brgy. Balon Bato
Habang unti-unting humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng lungsod, nagpapatuloy ang lokal na pamahalaan sa mga clearing at disaster response operations upang masigurong ligtas, maayos, at handa ang bawat QCitizen sa gitna ng patuloy na ulan.




