Nagsagawa ng film showing ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Bagong Silangan para sa mga batang nanunuluyan kasama ang kanilang mga pamilya sa Bagong Silangan Evacuation Center at Bagong Silangan Elementary School.
Bukod sa film showing, nagkaroon din ng munting programa at palaro para sa mga bata ang Social Services Development Department sa child-friendly room ng Bagong Silangan Evacuation Center.
Layon ng mga isinagawang aktibidad na matulungan ang mga bata na maibsan ang stress at trauma na naranasan nila dahil sa baha.
Pinaalalahan naman ng mga opisyal ng barangay ang mga bata na iwasang maglaro sa ilog o creek lalo na ngayong panahon tag-ulan.




