Sama-samang nagtanim ng mga puno ang mga volunteer bilang bahagi ng paglulunsad ng Bayanihang QC Program sa Bonifacio Shrine, Balintawak.

Nanguna sa tree planting activity sina Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Anton Reyes, at Arch. Red Avelino ng Parks Development and Administration Department.

Nakiisa rin ang iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod mula sa Human Resource Management Department-SHRU na sina Dr. Ria Tantoco-De Leon, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at iba pang mga kawani ng QC.

Nag-volunteer ang mga empleyado mula sa Office of the City Administrator, Climate Change and Environmental Sustainability Department, at PDAD.

Hinihikayat ang iba pang QCitizens na makiisa sa mga darating na activities sa ilalim ng Bayanihang QC Program.

+19