Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sina Palo, Leyte Mayor Remedios Petilla, Vice Mayor Jonathan Chiquillo, mga konsehal at punong barangay. Bumisita sila sa Quezon City Hall para sa benchmarking activity.

Ibinahagi ni Business Permit and Licensing Department head Margie Santos ang best practices na ginagawa ng departamento, katulad ng mabilis, online, at automated na pagproseso ng negosyo.

Pinarangalan ang lungsod bilang 2023 Most Business-Friendly local government unit (LGU) Award-City Level 1A – Highly Urbanized City ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Bumisita rin sila sa Brgy. Holy Spirit para malaman at matutunan ang best practices ng barangay.

+55