80 manggagawang QCitizens mula sa District 6 ang nabigyan ng libreng bisikleta at helmet sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan Program ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi kasama sina Coun. Marivic Co-Pilar, Coun. Eric Medina, Brgy. Pasong Tamo Chairman Banjo Pilar, Brgy. Culiat Chairman Vic Bernardo, Dr. Ellie Juan, Ms. Kristine Matias, at Mr. Vito Sotto Generoso.
Ayon kay Mayor Joy, batid ng pamahalaang lungsod ang hamon sa mga manggagawa na araw-araw sumasakay sa mga pampublikong sasakyan, lalo na ang mga QCitizens na daily wage earners.
Dagdag pa ng alkalde, papalaganapin pa sa buong lungsod ang bike lane network upang maging interconnected, ligtas at maayos ang bike lanes para sa mga siklista.
Matuturing na Bike-friendly ang Quezon City dahil mayroong ligtas at protektadong 161-kilometrong bike lane network ito at mayroong nakatalagang bike patrollers para umalalay sa ating mga siklista















