Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month at 85th founding anniversary ng Quezon City, kasalukuyang nagdaraos ng LIBRENG LEGAL CONSULTATION ang City Legal Department para sa lahat ngayong maghapon, Mar. 4, 2024 sa Quezon City Hall.
Nakatakda ring magtungo ang City Legal Department sa QC Jail Female Dormitory sa Mar. 14 at 21, 2024 para magbigay rin ng libreng legal advice sa mga persons deprived of liberty (PDL).