Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang Commission On Audit (COA) Entrance Conference na naganap ngayong araw para sa gagawing pag-audit ng COA sa Quezon City.

Layunin nitong bigyang halaga ang tapat at malinis na pamamahala ng Quezon City Government. Nangako naman ang Pamahalaang Lungsod na makikipagtulungan ito sa Komisyon para sa mas mabilis at mas maayos na proseso.

Tatlong beses nang nakatanggap ng “unqualified opinion” (unmodified opinion) ang QC-LGU, ang pinakamataas na rating na ibinibigay sa isang ahensya.

Bukod kay Mayor Joy Belmonte ay dumalo rin sina City Administrator Michael Alimurung, Assistant Administrator Atty. Rene Grapilon, Chief of Staff Rowena Macatao, Secretary to the Mayor Ricardo Belmonte Jr. at iba-ibang kinatawan ng departamento sa lungsod.

Dumating din ang mga representative ng COA na sina Regional Director Maria Carmina Paulita Pagayawan, Auditing Service Unit Head Mary Grace Mejia-Driz at Supervising Auditor Joseph Perez.

May be an image of 6 people, people studying, table and text
May be an image of 4 people
May be an image of 7 people
May be an image of 11 people and people studying