COVID-19 GUIDES
Overview
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng COVID-19.
Bawasan ang mga pagkakataong mahawa o maipasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng:
- Pagsasagawa ng physical distancing - Manatili sa bahay upang mabawasan ang inter-aksiyon sa ibang tao, at panatilihin ang isang metro distansiya (mga 2 dipa) sa mga táong nása paligid mo sa loob at labas ng tahanan.
- Panatilihin malinis ang mga kamay - Hugasan ang iyong kamay nang 20 segundo gámit ang sabon at tubig, o gumamit ng 70% alcohol-based hand rub.
- Gawin ang wastong paraan ng pag-ubo - Takpan ang iyong bibig at ilong gámit ang braso o tissue kapag bumahing o umubo.
- Iwasan hawakan ang bibig, mata at ilong - Huwag hawákan ang inyong bibig (Mouth), mga mata (Eyes), o ilong (Nose), lalo na kung humawak ka sa maruruming rabaw.
- Paglilinis at pagdi-disinfect - Panatilihing malinis ang inyong tahanan at mga kagamitan sa pamamagitan ng pag-spray at pagpunas sa mga ito gámit ang 7 kutsara (100 mL) ng bleach na hinaluan ng isang litro ng tubig, o ng 70% alcohol solution.
- Sumunod sa mga tagubilin ng mga health officer - Hawak ng mga health officer ang pinakabagong impormasyon hinggil sa COVID-19. Makinig sa kanilang payo
Source: www.laginghanda.gov.ph
OVERVIEW
The purpose is to contain the spread of the virus, prevent the virus from transferring from one place to another through a mobile host/carrier
- Do stay at home
- Do not have classes at all levels
- Do not report for work in government and the private sector, except for some exceptions.
WHO MAY GO OUT OF THEIR HOMES?
- Only one person per household would be allowed to buy/access basic necessities.
- Barangay captains to check compliance
- Do not have classes at all levels
- Employees of establishments involved in the production, processing, and distribution of basic necessities.
- Food (supermarkets, groceries, convenience stores, wet markets)
- Pharmacies/ Drug stores
- Banks or remittance centers
- PNP, AFP, and other uniformed personnel
- Personnel involved in health work, border control, emergency, and other mission-critical services
- Media with authorization from PCOO
- Always bring and present the following at designated checkpoints:
- Identification card
- Proof of residence
- Certification of Employment
- Delivery receipt for those transporting goods to and from the quarantine area
- Authorization or certifications, if applicable, issued by authorized government offices
- Those who are at high risk of infection should not go out
- Seniors (60 years old and above)
- Those with pre-existing medical conditions like cardiovascular disease, hypertension, diabetes, COPD, cancer, and others
- Pregnant women
- Do not ask non-exempted individuals to accompany you to your workplace
- Do not loiter
- Do not intimidate or resist persons in authority. Always remain calm and respectful
Source: laginghanda.gov.ph
OVERVIEW
Ang physical distancing ay ang pananatili ng pisikal na distansiya sa iba. Binabawas ang malapit na pakikipag-ugnayan sa ibang tao upang iwasan ang pagkalat ng virus. Ang virus ay kumakalat nang tao sa tao sa pamamagitan ng droplets na tumatalsik kapag nagsasalita, umuubo, o bumabahing ang táong nahawa. Umaabot lamang ang mga droplets nang isang metro.
DAPAT GAWIN
- Dapat manatili muna sa loob ng bahay.
- Dapat manatili ng kahit isang metrong (2 dipa) distansiya sa ibang tao sa lahat ng oras.
- Dapat kumaway nalang muna kapag bumati sa mga kaibigan.
- Dapat makipag-text, chat o telebabad na lang kaysa bisitahin ang mga kamag-anak at kaibigan.
HINDI DAPAT GAWIN
- Hindi dapat pumunta sa mga masisikip na lugar at di-mahahalagang pagtitipon.
- Hindi dapat makipagkamay, magyakapan o makipagbeso-beso lalong-lalo't na sa mga taong mas delikadong mahawaan ng virus tulad ng mga matatanda (65 na taong gulang at pataas) at mga may mahinang resistensiya.
LAGING TANDAAN
- Ang Physical distancing ay isa lang sa mga maraming paraan upang maiwasan ang COVID-19. Gawin din ang mga sumusunod:
- Laging hugasan ang iyong mga kamay ng hindi bababa sa 20 segundo
- Iwasang hawakan ang iyong mata, ilong at bibig
- Umubo o bumahing sa loob ng siko
- Iwasang hawakan ang mga bagay na madalas hawakan ng ibang tao
Source: https://laginghanda.gov.ph/health/how-to-contain-covid-19
PAG SUOT NG FACEMASKS
- Tiyaking natatakpan ng face mask ang iyong bibig at ilong, at nakalapat nang maigi sa iyong mukha.
- Isuot ang mask sa lahat ng oras habang nasa pampublikong lugar, kahit habang nakikipag-usap. Tanggalin lamang ito kapag nasa bahay na o kailangang kumain.
- Huwag hawakan ang iyong mukha habang suot ang mask
- Hugasan ang iyong mga kamay gámit ang sabon at tubig o alcohol-based solution bago at pagkatapos ayusin o hawakan ang iyong mask.
PAGTATANGGAL AT PAGTATAPON NG FACEMASK
- Tanggalin ang iyong face mask mula sa likod nang hindi hinahawakan ang harap ng iyong mask.
- Huwag nang gagamitin muli ang mga disposable mask. Palitán ang mga ito araw-araw o kapag nasira, narumihan, o mamasa-masa na.
- Labhan ang reusable na telang mask gámit ang mainit na tubig at detergent. Patuyuin ito sa ilalim ng araw.
- Pagkatapos tanggalin ang face mask, linisin agad ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based solution.
Source: https://laginghanda.gov.ph/health/how-to-contain-covid-19
OVERVIEW
Maliban kung may emergency o ganap na pangangailangan, huwag umalis sa bahay.
Maaaring may mga pagkakataon na kinakailangan mong lumabas sa bahay upang magtrabaho o bumili ng basic necessities. Alamin ang tips mula sa DOH upang maiwasan ang pagpasok ng COVID-19 sa bahay.
HABANG NASA LABAS NG BAHAY
- Magdala ng alcohol o hand sanitizer. Ilagay sa bag o sa bulsa. Gamitin nang palagian kung hindi pwedeng hugasan ang kamay na may sabon at tubig.
- Huwag hawakan ang mukha.
- Huwag hawakan ang mga bagay kung maiiwasan.
- Ugaliing mag physical distancing. Panatilihin ang 1 metro (2 dipa) o higit pang puwang mula sa iyo at sa ibang tao.
PAG NAKA UWI NA
- Mag-spray ng alcohol sa swelas, at hubarin ang sapatos bago pumasok sa bahay. Ilagay ang sapatos sa itinalagang lugar sa labas ng bahay, o malapit sa pintuan.
- Hubarin ang iyong damit at ilagay sa hiwalay na laundry bag. Labhan ito gamit ang tubig, detergent, at konting bleach sa madaling panahon.
- Ilagay ang bag, susi, barya, at iba pang mga gamit na dinala sa labas sa itinalagang lugar o kahon malapit sa pintuan.
- Linisin ang bag at ibang gamit na dinala sa labas sa pamamagitan ng pag-spray ng bleach at tubig o 70% alcohol solution.
- Mag-iwan ng alcohol o sanitizer malapit sa pintuan, at linisin muna ang kamay bago pumasok sa bahay. Habang hindi pa malinis ang kamay, huwag munang hawakan ang mga bagay sa loob ng bahay.
- Maligo muna pagdating na pagdating sa bahay. Hugasan ng mabuti ang lahat ng nakalantad na erya gamit ang sabon. Tulad ng paghuhugas ng kamay, kuskusin ng mabuti ang katawan ng 20 na segundo.
Source: https://laginghanda.gov.ph/health/how-to-contain-covid-19
WHO SHOULD BE TESTED?
Ginagawa ang testing upang kumpirmahin kung mayroon kang COVID-19. Mahalaga ito upang malaman ng mga health worker kung paano epektibong gagamutin ang mga pasyente.Sa ilalim ng bagong klasipikasyon, ang mga pasyenteng suspect at probable na may COVID-19 ay matetest na ngayon para sa COVID-19. Gayunpaman, bibigyan ng prayoridad ang mga sumusunod:
- Mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19
- Mga taong may exposure at interaksyon sa taong kumpirmadong may COVID-19
- Mga taong naglakbay o nanggaling sa mga lugar na may lokal na transmission ng COVID-19
- Mga taong kabilang sa grupo ng mga mas nanganganib magkaroon ng malubhang sakit (nakatatanda, mga may comorbidities, atbp.)
- Healthcare workers
LIBRE BA ANG TESTING?
Oo, libre ang testing. Gayunpaman, isasagawa lamang ang testing sa mga SUSPECT cases.
KAILAN DAPAT TAWAGAN ANG BHERT?
Ang BHERT ay ang Barangay Health Emergency Response Team. Kailangan tawagan ang iyong lokal na BHERT kung:
- May banayad na sintomas (lagnat, ubong walang plema) at naninirahan sa isang lugar na naka-ECQ o nagpunta sa isang lugar na naka-ECQ.
- Biglang makaramdam ng hirap sa paghinga, bigat sa dibdib, at iba pang malubhang sintomas. Ipaalam ito sa local na pamahalaan upang matulungan kang mai-refer sa pinakamalapit na pasilidad na tutulong sa iyo.
BAKIT DAPAT TAWAGAN ANG BHERT?
- Para mamonitor ang mga iyong mga sintomas araw-araw.
- Para matulungan ang mga taong kailangan ng atensyong medikal, kahit walang kinalaman sa COVID-19, at madala sila sa ospital kung kinakailangan.
- Para matulungan ang mga taong may malubhang sintomas ng COVID-19 tulad ng hirap sa paghinga, at madala sila sa pinakamalapit na ospital.
WALANG RESPONSE ANG BRGY, ANONG DAPAT GAWIN?
For assistance, mangyari lamang makipag ugnayan sa QC CESU.
Mag email sa:
- HealthDept@quezoncity.gov.ph
- TFCovid19@quezoncity.gov.ph
- CHD@quezoncity.gov.ph
- qcselfreport@gmail.com
O tumawag sa hotline numbers:
- Landline: 8703-2759, 8703-4398
- Globe: 0916-122-8628
- Smart: 0908-639-8086
- Sun: 0931-095-7737
Source: https://www.covid19.gov.ph/frequently-asked-questions
KAILAN DAPAT TAWAGAN ANG BHERT?
Ang BHERT ay ang Barangay Health Emergency Response Team. Kailangan tawagan ang iyong lokal na BHERT kung:
- May banayad na sintomas (lagnat, ubong walang plema) at naninirahan sa isang lugar na naka-ECQ o nagpunta sa isang lugar na naka-ECQ.
- Biglang makaramdam ng hirap sa paghinga, bigat sa dibdib, at iba pang malubhang sintomas. Ipaalam ito sa local na pamahalaan upang matulungan kang mai-refer sa pinakamalapit na pasilidad na tutulong sa iyo.
BAKIT DAPAT TAWAGAN ANG BHERT?
- Para mamonitor ang mga iyong mga sintomas araw-araw.
- Para matulungan ang mga taong kailangan ng atensyong medikal, kahit walang kinalaman sa COVID-19, at madala sila sa ospital kung kinakailangan.
- Para matulungan ang mga taong may malubhang sintomas ng COVID-19 tulad ng hirap sa paghinga, at madala sila sa pinakamalapit na ospital.
WALANG RESPONSE ANG BRGY, ANONG DAPAT GAWIN?
For assistance, mangyari lamang makipag ugnayan sa QC CESU.
Mag email sa:
- HealthDept@quezoncity.gov.ph
- TFCovid19@quezoncity.gov.ph
- CHD@quezoncity.gov.ph
- qcselfreport@gmail.com
O tumawag sa hotline numbers:
- Landline: 8703-2759, 8703-4398
- Globe: 0916-122-8628
- Smart: 0908-639-8086
- Sun: 0931-095-7737
Source: https://www.covid19.gov.ph/frequently-asked-questions
The Telemedicine Service is available to all QC Residents experiencing symptoms of Covid-19.
Booking an Appointment
- Patient or Relative to submit patient’s personal details to the Quezon City Health Department Telemedicine Coordinator:
- Name
- Contact Number
- Email Address
- Preferred manner of teleconsult – video call, voice call or SMS
- Send details through the following:
- Personal delivery to the Health Centers
- Social Media
Teleconsult
- Patient or Relative will receive a notice of video/audio/sms consultation schedule.
- For patients preferring video call, they will have to click the link provided to consult with the physician.
- For patients/relative choosing audio call or SMS, the physician will get in touch with patient/relative.

Bakit kailangang magpabakuna kontra sa COVID-19?
Ang bakuna ay ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang sakit. Sa ngayon, may mga bakunang ginagamit bilang proteksyon sa mga sakit gaya ng influenza (trangkaso), measles (tigdas), pneumonia, tetanus, diphtheria at polio.
Kapag nabigyan ka ng bakuna, hindi lamang ikaw ang protektado kundi pati ang mga nakapaligid sa iyo dahil hindi mo na maipapasa ang sakit.
Paano nagkakaiba ang mga bakuna?
Nagkakaiba ang mga bakuna kung saan ito gawa at kung paano nito utusan ang katawan na gumawa ng antibodies o proteksyon sa impeksyon.
Ang bakuna ay maaaring pinahina o patay na virus o bacteria, o isang genetic product (tulad ng mRNA) na gagawa ng protina ng isang virus o bacteria pero hindi magdudulot ng sakit.
Ano ang maaaring side effects matapos magpabakuna?
Anumang bakuna ay karaniwang nagdudulot ng alinman sa mga sumusunod: lagnat, pamumula ng balat, pangangati o pamamaga ng bahaging tinurukan na tatagal ng ilang oras, sakit ng ulo, pagkasira ng tiyan o pagsusuka. Kumonsulta agad sa doctor kapag may naramdamang sintomas.
Ano ang maaaring gawin habang naghihintay sa paparating na bakuna?
Manatili pong sumusunod sa minimum health protocols sa lahat ng oras upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Hinihikayat din ang publiko na maging mas mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa internet. Mag-check ng tamang impormasyon sa mga official sources gaya ng DOH at WHO.
Hindi na ba ako tatamaan ng Covid-19 kapag nagpabakuna ako?
Maaari ka pa ring tamaan ng Covid-19 kahit nagpabakuna na. Pero maiiwasan ang malubhang epekto ng sakit dahil may dagdag na kakayahan ang iyong katawan para labanan ito. Dahil dito, mapoproteksyunan mo rin ang malalapit sa iyo dahil hindi ka na makakahawa.
Ang importante, patuloy na sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng mask at face shield, madalas na maghuhugas ng kamay at social distancing.
Ligtas ba ang mga bakuna laban sa Covid-19?
Ang mga bakuna ay dumaan sa masusing pag-aaral, pananaliksik at clinical trials ng mga eksperto. Sinubok rin ito sa isang bahagi ng populasyon. Sa huli, anumang bakuna na pumapasok sa Pilipinas ay sumasailalim din sa pagsusuri ng health experts at Food and Drug Administration. Sa ngayon, bawat manufacturer ng bakuna sa Covid-19 ay dapat mag-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) sa FDA, dahil ang bakuna ay bago at hindi pa ibinebenta sa merkado.
Ano ang Emergency Use Authorization (EUA)?
Ang EUA ay iniisyu lamang ng FDA kapag may public health emergency. Dahil bago ang sakit na Covid-19 at patuloy sa pagkalat, nagmadali ang mga pharmaceutical companies na makagawa ng bakuna para mapakinabangan agad ng publiko. Karaniwan kasi ay dadaan pa sa mas mahabang proseso ang isang bakuna bago payagan ng FDA na maibenta sa merkado (commercial use). Dahil direkta na ang pagbili ng mga gobyerno sa bakuna, ang kailangan lamang ay magbigay ng EUA ang FDA matapos nitong suriin kung ligtas at mabisa ito para magamit sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon, hindi pa mabibili ang bakuna sa klinika, ospital o botika. Ang gobyerno lamang ang otorisadong mamahagi ng bakuna dahil EUA lamang ang hawak ng pharmaceutical companies.
May bayad ba ang bakuna laban sa Covid-19?
Libre po ito para sa QCitizens, pero uunahin ang mga sektor na nasa listahan ng World Health Organization gaya ng matatanda, frontliners at mahihirap.