KAILAN DAPAT TAWAGAN ANG BHERT?
Ang BHERT ay ang Barangay Health Emergency Response Team. Kailangan tawagan ang iyong lokal na BHERT kung:
- May banayad na sintomas (lagnat, ubong walang plema) at naninirahan sa isang lugar na naka-ECQ o nagpunta sa isang lugar na naka-ECQ.
- Biglang makaramdam ng hirap sa paghinga, bigat sa dibdib, at iba pang malubhang sintomas. Ipaalam ito sa local na pamahalaan upang matulungan kang mai-refer sa pinakamalapit na pasilidad na tutulong sa iyo.
BAKIT DAPAT TAWAGAN ANG BHERT?
- Para mamonitor ang mga iyong mga sintomas araw-araw.
- Para matulungan ang mga taong kailangan ng atensyong medikal, kahit walang kinalaman sa COVID-19, at madala sila sa ospital kung kinakailangan.
- Para matulungan ang mga taong may malubhang sintomas ng COVID-19 tulad ng hirap sa paghinga, at madala sila sa pinakamalapit na ospital.
WALANG RESPONSE ANG BRGY, ANONG DAPAT GAWIN?
For assistance, mangyari lamang makipag ugnayan sa QC CESU.
Mag email sa:
- HealthDept@quezoncity.gov.ph
- TFCovid19@quezoncity.gov.ph
- CHD@quezoncity.gov.ph
- qcselfreport@gmail.com
O tumawag sa hotline numbers:
- Landline: 8703-2759, 8703-4398
- Globe: 0916-122-8628
- Smart: 0908-639-8086
- Sun: 0931-095-7737
Source: https://www.covid19.gov.ph/frequently-asked-questions