Nasa 120 daycare students ng Social Services Development Department (SSDD) mula Districts 1 hanggang 6 ang nagtungo sa Quezon City Hall bilang bahagi ng kanilang educational tour.
Pumunta ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang sa Wave of Change art exhibit sa QC Hall High Rise building, QC Public Library, at QC Joy of Urban farming.
Layon ng educational tour na mapaunlad ang kanilang skills at creativity, at ipabatid ang epekto ng climate change at kung paano ito matutugunan sa tulong nila.




