Ligtas at maayos na naiturn-over sa pangangalaga ng DSWD ang 49 na naninirahan sa lansangan, kasama ang 38 na Indigenous People (IP).

Muling nagsanib-pwersa ang DSWD, Commission on Human Rights, MMDA, PNP-NCRPO at ang Quezon City Government – Task Force Sampaguita (TFS) sa reach out operation sa dalawang areas of concern sa Distrito 1 at 4.

Dalawa (2) lamang sa mga nailigtas ang residente ng lungsod. Ang mga indibidwal ay inirehistro sa Pag-abot ID upang magkaroon ng pagkakilanlan.

Lahat ay binigyan ng paunang tulong gaya ng pagkain at tulong medikal habang inaalam ang kanilang pamilyang uuwian at iba pang karagdagang tulong na nararapat sa kanila.

Kasama rin sa nasagip ang apat (4) na alagang hayop.

Sumunod ang operasyon sa rights-based approach na tumitiyak na iginagalang ang mga karapatang pantao ng mga indibidwal.

Pinangunahan ang operasyon ni PESO Head Rogelio L. Reyes, District 4 Action Officer Al Flores, Ms. Maria Volante ng SSDD at ni Ms. Jen Casañas ng DSWD Oplan Pag-abot.

Kasama sa reach-out na ito ang District 4 Action Office, Barangay Balingasa, Barangay Tatalon at iba-ibang departamento ng lungsod – Task Force Sampaguita, Social Services Development Department, Quezon City Police District, City Health Department, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, Traffic and Transport Management Department, Public Employment Service Office, Department of Public Order and Safety, Barangay and Community Relations Department, City Veterinary, Department of Sanitation Quezon City, General Services Department, at Task Force Disiplina.

+41