Nagsagawa ng Emergency Preparedness Forum para sa mga Persons with Disability at Senior Citizens ang SM Cares sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng QC Persons with Disability Affairs Office kasama ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Nagkaroon ng lecture ukol sa iba’t ibang uri ng kalamidad, mga epekto nito at kung papaano makakaiwas o makakaligtas lalo na sa vulnerable sector tulad ng PWDs at senior citizens.

Nakiisa sina Engr. Bien Mateo SM Supermalls, Ms. Debbie Dacanay ng QC PDAO, Atty. Frank Quijano ng National Commission of Senior Citizens, at Dr. Cristina Lim Yuson ng Girl Scouts of the Philippines.