RAMDAM NYO NA BA?
Simoy pasko na, at kung naghahanap kayo ng palamuting pamasko, swak na swak ang tampok namin ngayong Biyernes sa #ExploreQC. Ito ang Dapitan Arcade na matatagpuan sa #37 Dapitan, Cor Kanlaon St, Quezon City. Bukas mula 8 a.m. – 7 p.m.
Maraming pagpipiliang dekorasyon ang pwedeng mabili dito katulad ng parol, christmas garland, christmas lights, christmas ball, christmas tree, nutcracker, naglalakihang statue ng Santa, mga reindeer at snow globes!
Hindi lang yan, may mga kubyertos, punda, kurtina at kumot din na may tema ng pasko. Wag din kalimutan ang mga christmas wrapper at gift tag na tiyak na kakailanganin para sa mga pangregalo ngayong pasko.
Panoorin ang Dapitan Arcade video tour ng Explore QC sa Tiktok: https://www.tiktok.com/@quez…/video/7299671696179498241…
I-follow ang Tiktok ng QC Government: https://www.tiktok.com/@quezoncitygovt