Nakikiisa ang Quezon City Government sa pagdiriwang ng International Day for Disaster Risk Reduction 2023 ngayong Biyernes, ika-13 ng Oktubre.
Ang ating lokal na pamahalaan ay nakatuon sa paghahatid ng agarang impormasyon at aksyon upang tiyaking ligtas ang QCitizens sa sakuna dulot ng iba-ibang kalamidad.
Sa pagtutulungan ng bawat isa, magkakaroon tayo ng kakayahang maging handa at ligtas sa anumang sitwasyon o panganib na maaaring kaharapin.