Inilatag ni Mayor Joy Belmonte ang mga programa at proyekto para sa kalikasan at mga kababaihan ng Lungsod Quezon sa pagbisita ng mga kawani ng Asian Development Bank – Climate Change and Sustainable Development Department (ADB-CCSD).
Tinalakay sa pulong ang inihahandang kolaborasyon ng ADB at lokal na pamahalaan upang bigyang solusyon ang matinding init sa QC, mga proyekto sa mga kababaihan, urban farms, at iba pang programang nakatuon upang malabanan ang epekto ng pabago-bagong klima.
Inimbitahan din ng ADB si Mayor Joy upang makiisa sa gaganaping Climate Change Conference (COP29) na pangangasiwaan ng ADB ngayong taon.
Dumalo rin sa meeting sina Climate Change and Environment Sustainablity Department head Andrea Villaroman, mga kawani ng CCSD sa pangununa ni Zonibel Woods, Brigitte Balthasar, Jin Ha Kim, Mia Allyson Howell, Micaela Agoncillo, at Angat Bayi co-founder Maya Tamayo.