Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) chairperson Lisa Guerrero Nakpil para talakayin ang mga mungkahing rehabilitasyon sa Quezon Memorial Circle.

Iprinisinta ni City Architect Lucille Chua ang mga proyekto na gagawin sa loob ng QMC sa mga susunod na buwan.

Nakiisa sa pulong sina City Administrator Michael Alimurung, City Engineer Atty. Dale Perral, at mga kinatawan ng City Tourism Department.