Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte ang kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa Lamasur sa Barangay Ramon Magsaysay sa pagdulog ni P/B Cesar Dionisio ngayong araw.

Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang na maaring gawin upang masiguro ang karapatan sa paninirahan ng mga residente sa lugar.

Dumalo rin sa meeting sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Housing Community Development and Resettlement Department head Ramon Asprer, at City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria.