Mabibigyan na ng pwesto ang mga ambulant vendor sa Barangay Damayan.
Sa pulong nina Mayor Joy Belmonte at Barangay Damayan Chairperson Floride Casaje, tiniyak ni Mayor Joy na mabibigyan na ng permit ang halos 70 hawkers na nagtitinda sa paligid ng Calalay Public Market.
Aayusin din ang naturang palengke, para mas maging malawak at dumami ang pwesto para sa mga nagtitinda. Ire-renovate din ang barangay hall ng Damayan at kanilang day care center.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa meeting sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Market Development and Administration Department (MDAD) Action Officer for Operations PCol. Alex Alberto, at MDAD Hawkers Division chief Atty. Edmund R. Bacatan.