Maagap na tinugunan ni Mayor Joy Belmonte ang mga pangangailangan ng mga taga Barangay Krus na Ligas sa pagbisita ni P/B Renz Perido at council.
Kabilang dito ang pagsasaayos ng mga imprastraktura sa barangay tulad ng daycare center, barangay hall, health center, learning hub, drainage system, material recovery facility, at dagdag na street lights.
Suportado rin ng alkalde ang inisyatibo ng barangay na magkaroon ng museo, ang nalalapit na pista, at kanilang urban farms.
Nasa pulong din sina ACA Don Javillonar, City Engineer Atty. Dale Perral, City General Services Department OIC Fe Bass, Housing Community Development and Resettlement Department head Ramon Asprer, D4 Action Officer Al Flores, at City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria.