Ibinahagi ni Barangay Bagong Silangan Chairperson Willy Cara ang mga kinakaharap na problema ng kanilang komunidad.

Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang kanilang suliranin, partikular ang ginagawang covered court at itatayong Material Recovery Facility sa barangay.

Agad din itong tinugunan ng alkalde, sa tulong nina Chief of Staff Rowena Macatao, City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria, Assistant City Administrator Don Javillonar, at City Engineer Dale Perral.