Personal na hinarap ni Mayor Joy Belmonte ang mga miyembro ng University Student Council ng UP Diliman upang talakayin ang mga detalye kaugnay ng road clearing operation sa Pook Dagohoy, Pook Polaris, Area 1 at 2 sa Diliman noong Abril 23, 2024.
Inihayag ng alkalde na handa ang pamahalaang lungsod na makipag-ugnayan sa USC UP Diliman at mga nagtitinda na naapektuhan ng clearing operation.
Nakiisa sa pulong sina USC UPD Chairperson Sunshine Reyes, All UP Academic Employees Union President Perlita Raña, Secretary to the Mayor RJ Belmonte, City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria, Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at Chief of Staff Rowena Macatao.
Maaaring basahin ang opisyal na pahayag ng pamahalaang lungsod kaugnay ng road clearing operation sa link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/YmBEzY6PWH33SZcV/?mibextid=oFDknk