Aabot sa 715 QCitizens mula sa District 2 ang nabigyan na ng pagkakataon na maisakatuparan at masimulan na ang kanilang minimithing negosyo, sa pamamagitan ng Pangkabuhayang QC livelihood assistance program.

Bawat benepisyaryo mula sa ika-9 at ika-10 batch ng programa ay sumailalim muna sa masusing verification at livelihood training and management seminars bago nakatanggap ng P10,000 hanggang P20,000 tulong pangkabuhayan mula sa lokal na pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang pagsisikap ng mga QCitizen na mabuo ang pinapangarap na sariling negosyo at tiniyak na magiging katuwang nila ang lungsod hanggang sa kanilang pag-asenso.

Nasa payout site din ang mga partner stakeholders ng lungsod kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa registration ng negosyo; San Miguel Corporation para sa iba’t ibang ideya ng pagkakakitaan; Cebuana Lhuiller para sa business insurance; at GCash para sa online at contactless banking at bills payment.

Para sa iba pang detalye ng Pangkabuhayang QC program, bisitahin lamang ang facebook page ng Small Business Cooperatives Development and Promotions Office.