Nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang mga bagong opisyal at board members ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng presidente nito na si Fernan De Guzman.

Ang PMPC ay isang organisasyon ng mga entertainment writers, professional showbiz columnists, editors, online TV hosts, radio anchors, at bloggers sa bansa.

Ayon kay Belmonte, suportado ng pamahalaang lungsod ang pagyabong ng mga pelikula at kapakanan ng mga manggagawa ng media industry. Sa katunayan, taon-taon isinasagawa ang QCinema International Film Festival kung saan maaaring mapanood ang pelikula ng mga independent filmmakers at mabigyan ng pagkakataon na maipagmalaki ang mga pelikulang Pilipino.

Ilan rin sa mga naging benepisyaryo ng Kalingang QC na nakatanggap ng tulong pinansyal ay mga media workers na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.