Agad na nagpulong ang Quezon City traffic management sector sa pangunguna nina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo at Traffic and Transport Management Department (TTMD) Dexter Cardenas.

Nakiisa rin sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant General Manager for Operations David Angelo “Gelo” Vargas, Department of Public Works and Highways (DPWH) Planning Section Chief Engr. Brian Briones, District 4 Action Officer Alberto Flores, at ilang piling barangay kung saan maaaring magpatupad ng alternatibong ruta.

Ang pulong ay isinagawa matapos i-anunsyo ng MMDA at DPWH ang pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng EDSA Kamuning Flyover (South Bound) sa May 1, 2024.

Patuloy lamang ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod sa mga ahensyang nabanggit upang mapanatiling maayos at tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko sa mga maaapektuhang lugar.

+11