Quezon City Department or Office involved:
QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT
Mga Hakbang Kontra Tigdas
For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:
- Helpline 122
- 8988-4242 local 8038
- Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498
Ang tigdas (measles) ay lubhang nakakahawang sakit dulot ng measles virus. Kapag ang indibidwal na may tigdas ay huminga, umubo o bumahing, ang impeksyon ay mabilis na kakalat.
MGA SINTOMAS:
- Mataas na lagnat
- Ubo
- Sipon
- Pamumula ng mata (conjunctivitis)
- Mapupulang pantal o rashes.
PARA MAKAIWAS:
- Takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing gamit ang malinis na tissue o wipes.
- Itapon sa basurahan ang ginamit na tissue o wipes.
- Iwasan ang pag-ubo sa mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
- Regular na maghugas ng mga kamay at magdisinfect ng mga gamit sa bahay.
- Kung may tigdas ang kasama sa bahay, kailangan itong maihiwalay upang hindi makahawa sa iba.
- Tiyaking up-to-date ang bakuna ng inyong anak. Magtungo sa inyong health center para sa bakuna laban sa tigdas.
KAPAG MAY TIGDAS O MEASLES:
- Siguraduhing may sapat na oras na pahinga.
- Uminom ng wastong dami ng tubig upang manatiling hydrated ang katawan.
- Kumain ng mga masusustansya upang magkaroon ng sapat na lakas at makatulong na malabanan ang sakit.
- Siguraduhing may sapat na distansya kung may sintomas ng tigdas upang maiwasang mahawa o makahawa.
- Magpakonsulta sa pinaka-malapit na health center o hospital sa inyong lugar.
- Makipag-ugnayan sa pinaka malapit na health center o hospital sa inyong lugar kung sakaling nakararanas ng sintomas o sakit.
Last updated on March 28, 2025