Quezon City Department or Office involved:
QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT

Mga Hakbang Kontra Tigdas

For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:

  • Helpline 122
  • 8988-4242 local 8038
  • Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498

Ang tigdas (measles) ay lubhang nakakahawang sakit dulot ng measles virus. Kapag ang indibidwal na may tigdas ay huminga, umubo o bumahing, ang impeksyon ay mabilis na kakalat.

MGA SINTOMAS:

  • Mataas na lagnat
  • Ubo
  • Sipon
  • Pamumula ng mata (conjunctivitis)
  • Mapupulang pantal o rashes.

PARA MAKAIWAS:

  • Takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing gamit ang malinis na tissue o wipes.
  • Itapon sa basurahan ang ginamit na tissue o wipes.
  • Iwasan ang pag-ubo sa mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
  • Regular na maghugas ng mga kamay at magdisinfect ng mga gamit sa bahay.
  • Kung may tigdas ang kasama sa bahay, kailangan itong maihiwalay upang hindi makahawa sa iba.
  • Tiyaking up-to-date ang bakuna ng inyong anak. Magtungo sa inyong health center para sa bakuna laban sa tigdas.

KAPAG MAY TIGDAS O MEASLES:

  • Siguraduhing may sapat na oras na pahinga.
  • Uminom ng wastong dami ng tubig upang manatiling hydrated ang katawan.
  • Kumain ng mga masusustansya upang magkaroon ng sapat na lakas at makatulong na malabanan ang sakit.
  • Siguraduhing may sapat na distansya kung may sintomas ng tigdas upang maiwasang mahawa o makahawa.
  • Magpakonsulta sa pinaka-malapit na health center o hospital sa inyong lugar. 
  • Makipag-ugnayan sa pinaka malapit na health center o hospital sa inyong lugar kung sakaling nakararanas ng sintomas o sakit.