Mga Dapat Gawin Kapag May Lindol
For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:
- Helpline 122
- 8988-4242 local 8038
- Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498
An earthquake is a sudden and rapid shaking of the ground caused by the shifting of rocks deep beneath the Earth’s surface. Earthquakes can cause significant damage to buildings, roads, and infrastructure, and they can trigger landslides, tsunamis, and other natural hazards. It is important to be prepared and to know the safety measures to take during and after an earthquake to protect yourself and your family.
BEFORE
- Know the hazards in your area.
- Familiarize yourself with the following:
- Fire extinguishers (Mga pang-apula ng apoy)
- Medical kit (Mga gamit pang-medikal)
- Exit routes (Ligtas na daanan palabas ng gusali)
- Evacuation plan (Plano sa paglikas ng mga tao)
- Check your house and have it repaired if necessary.
- Store harmful chemicals and flammable materials properly.
- Secure heavy furniture and hanging objects.
- Prepare your family’s Emergency Go Bag containing items needed for survival.
- Participate in office and community earthquake drills.
DURING
WHEN INSIDE A BUILDING “DUCK, COVER, AND HOLD”:
- Duck under a strong table and hold on to it. Stay alert for potential threats.
- Stay away from glass windows, shelves and heavy objects.
- After the shaking stops, exit the building, and go to the designated evacuation area.
WHEN YOU ARE OUTSIDE:
- Move to an open area.
- Stay away from the buildings, trees, electric posts and landslide prone areas.
- If you’re in a moving vehicle, stop and exit the vehicle.
AFTER
- Stay alert for aftershocks.
- Assess yourself and others for injuries. Provide first aid if necessary.
- Prioritize the needs of older persons, pregnant women, PWDs and children.
- If in a coastal area and there is a threat of a tsunami, evacuate to higher ground immediately.
- Check for spills of toxic and flammable chemicals.
- Stay out of the building until advised that it is safe to return.
- Check for damages in water and LPG leaks.
Ang lindol ay biglaan at mabilis na pagyanig ng lupa na dulot ng paggalaw ng mga bato sa ilalim nito. Ang mga lindol ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa mga gusali, kalsada, at imprastruktura, at maaari rin itong magdulot ng mga landslide, tsunami, at iba pang mga likas na panganib. Mahalaga na maging handa at malaman ang mga hakbang na dapat gawin sa panahon ng lindol para maprotektahan ang iyong sarili at pamilya.
BAGO ANG LINDOL
- Alamin ang mga sumusunod:
- Fire extinguishers
- Medical kit
- Exit routes o Ligtas na daanan palabas ng gusali
- Evacuation plan o plano sa paglikas ng mga tao
- Siguruhinng matibay ang bahay at ipakumpuni ang mga sirang bahagi nito.
- Ayusin ang pag-iimbak ng mga nakakalasong kemikal at mga bagay na pwedeng maging sanhi ng sunog.
- Siguruhing ligtas ang mga pagkakalagay ng mga mabibigat at mga nakabiting bagay.
- Ihanda ang Emergency Go Bag na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya.
- Makilahok sa mga Fire Drill o pagsasanay tungkol sa lindol.
HABANG LUMI-LINDOL
- Yumuko at magtago sa ilalim ng matibay na mesa at kumapit sa mga paa nito. Manatiling alerto sa mga banta ng panganib sa paligid.
- Umiwas sa mga bintanang salamin, mga aparador, at mabibigat na gamit na pwedeng mahulog.
- Matapos ang pagyanig, agad na lisanin ang gusali at pumunta sa nakatakdang evacuation area.
- Lumayo sa mga gusali, puno, poste, at mga lugar na may panganib ng lupa.
- Kapag nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan at lumabas.
PAGTAPOS NG LINDOL
- Suriin ang iyong sarili at mga kasama kung may tinamong sugat o pisikal na pinsala. Magbigay ng paunang lunas kung kailangan.
- Unahin ang mga pangangailangan ng mga matatanda, buntis, may kapansanan, at mga bata.
- Kung nasa tabing dagat at may banta ng tsunami, agad na lumikas papunta sa ligtas at mataas na lugar.
- Suriin kung may natapong nakakalasong kemikal at mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog.
- Huwag bumalik sa loob ng gusali hanggang walang abiso na ligtas na ito.
- Suriin ang mga linya ng tubig at kuryente para sa maaring pinsala. Suriin din ang tangke ng gas o LPG.