Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng mga titulo ng lupa sa tatlumpu’t dalawang (32) residente na nakakumpleto na ng bayarin ng kanilang lupang inookupahan na pagmamay-ari ng lungsod.

Iginawad ang mga titulo sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Ramon Asprer ng QC Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD).

Ang inisiyatibong ito ay hatid ng programang ‘Direct Sale’ bilang parte ng Social Housing Project ng QC na naglalayong bigyan ng maayos at abot-kayang pabahay ang mga taong walang permanenteng tirahan. Ang ‘Direct Sale’ ay magsisilbing paraan upang maging lehitimong may-ari ng lupa ang mga residente na matagal nang naninirahan sa lote sa kundisyong mabayaran ang halaga o katumbas na presyo ng lupa alinsunod sa terms of payment.

Mula 1990, libu-libong residente na ang nabigyan ng security of housing tenure sa ilalim ng programa.