Nakiisa ang mga QC Sangguniang Kabataan officials ng District 1 at 2 sa ginanap na Siyasat Kabataan: Media Literacy Workshop na pinangunahan ng Public Affairs and Information Services Department.
Nagsilbing resource speakers ang mga kinatawan mula sa ABS-CBN citizen journalism arm, “Bayan Mo, iPatrol Mo” na sina Ms. Dabet Panelo at Patrol ng Pilipino team lead Mr. Anjo Bagaoisan.
Tinuruan naman ni Mr. Romeo Mariano ng QC Photographers Guild ang mga SK ukol sa photojournalism techniques.
Layon ng aktibidad na isulong ang responsableng paggamit ng social media at fact checking.
Katuwang sa proyekto ang Barangay and Community Relations Department at SK Federation sa pangunguna ni Coun. Sami Neri.
Sinuportahan din nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang programa dahil makatutulong ito sa pagpapalaganap ng makabuluhang impormasyon sa QCitizens.