1,143 solo parents ang sumali sa unity walk sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD) bilang bahagi ng National Solo Parents Week.
Ito ay upang bigyan ang ating mga masisipag na nanay at tatay ng pagkakataong makisaya at makakapaglibang.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga proyekto at programa na bukas para sa mga solo parent, katulad ng pabahay, hanapbuhay, at scholarship sa kanilang mga anak.
Nakiisa rin sa selebrasyon sina District 3 Coun. Kate Coseteng at District 2 Coun. Candy Medina.