Nagsagawa ng special screening ang Quezon City Gender and Development Office ng pelikulang “Sunshine 2024” na isinulat at idinirek ni Antoinette Jadaone at pinagbidahan ng aktres na si Maris Racal.
Layunin ng block screening na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa sektor ng kabataan kaugnay ng mga usapin tungkol sa teenage pregnancy at abortion na siyang mga paksa ng award-winning na pelikula.
Dumalo sa screening ang mga QC department heads, kawani ng lokal na pamahalaan, at miyembro ng youth sector organization.




