Namahagi ng cash card ang Department of Social Welfare and Development-NCR (DSWD-NCR) sa mga kwalipikadong senior citizen na bahagi ng Unconditional Cash Transfer Program ng National Government ngayong araw.
Aabot sa 1,777 mula sa District 2 ang nakatanggap ng kanilang cash card habang 1,872 naman mula sa District 1 ang naging benepisyaryo.
Ang UCT Program ay ang pinakamalaking tax reform mitigation program sa ilalim ng TRAIN Law. Layon nitong bigyan ng cash assistance ang mga mahihirap na pamilya upang matulungan silang makayanan ang epekto ng TRAIN Law.