Nagtipon-tipon ang iba-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan, national government, financing institutions, at non-government organizations upang talakayin kung gaano kahalaga ang climate financing sa implementasyon ng mga programa para sa kalikasan.

Mahalaga na magkaroon ng access sa climate financing ang mga lokal na pamahalaan, tulad ng Quezon City at Freetown, para maisakatuparan ang mga inisyatibo sa climate change mitigation, adaptation and resilience building.

Kasama sa roundtable discussion sina Mayor Joy Belmonte, C40 Cities Co-Chair at Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr, at C40 Cities Regions and Mayoral Engagement Managing Director Shruti Narayan.

Naroon din sina Asian Development Bank Senior Director for Climate Change, Resilience, and Environment Mr. Toru Kubo, CGIAR Resilient Cities Co-Lead Silvia Alonso, mga kinatawan mula sa national at international institutions, at city government department heads.

#UnitedinAction#TayoAngQC#QC85th

British Embassy Manila

+16