Nagsama-sama ang mga lider ng iba-ibang departamento at organisasyon sa opening plenary ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy Global Workshop.

Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagsisiguro ng inklusibong climate action na nagbibigay din ng oportunidad sa mga mamamayan.

Ibinahagi naman ni Freetown Mayor at C40 Cities Co-Chair Yvonne Aki-Sawyerr ng kahalagahan ng pangunguna ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa climate crisis.

Mas ramdam sa mga barangay ang epekto nito, kaya’t mas kailangan ng agarang aksyon para sa mga residente.

Para mas talakayin kung paano nagtutulungan ang mga bansa para bigyang-solusyon ang epekto ng pabago-bagong klima, nagkaroon din ng high-level dialogue na dinaluhan nina C40 Regions and Mayoral Engagement Managing Director Shruti Narayan, at UK Ambassador to the Philippines HE Laure Beaufils.

Naglahad din ng kani-kanilang programa ang mga kinatawan mula sa UN Women at Asian Development Bank.

Ang C40 Cities SEA Regional Academy ay bahagi ng Climate Action Implementation (CAI) Programme, na sinusuportahan din ng Urban Climate Action Programme (UCAP) ng UK Government.

#UnitedinAction#TayoAngQC#QC85th#C40inQC

British Embassy Manila

+37