Pormal nang sinimulan ang C40 Cities Southeast Asia Regional Academy sa Quezon City ngayong umaga.
Malugod na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte ang mga delegado mula sa iba-ibang bansa, sa pangunguna nina Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr, at C40 Cities Regions and Mayoral Engagement Managing Director Shruti Narayan.
Tatlumpung (30) opisyal at kinatawan ng mga siyudad ng Kuala Lumpur (Malaysia), Jakarta (Indonesia), at QC ang sasailalim sa limang araw na workshop at seminar.
Ibabahagi nila ang kani-kanilang best practices sa pagsasagawa ng mga programang makakalikasan na inklusibo at nagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan.
Ang C40 Cities SEA Regional Academy ay bahagi ng Climate Action Implementation (CAI) Programme, na sinusuportahan din ng Urban Climate Action Programme (UCAP) ng UK Government.