SALAMAT, NANAY-TATAY TEACHERS! 👩‍❤️‍👨📚

Umabot sa 1,752 na magulang ang nakatanggap ng P4,700 mula sa Tara Basa Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang lokal na pamahalaan.

Layon ng programa na matutukan ng mga Youth Development Workers at mga magulang ang QC students na matuto at masanay sa pagbabasa bilang mga tutors.

Mula sa 19 elementary schools sa Districts 1, 3, at 4 ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD katuwang ang Social Services Development Department.

Pinasalamatan din ni Mayor Joy Belmonte ang masisipag na parent-tutors para sa kanilang dedikasyong umagapay sa kapakanan ng mga kabataang QC.

#TayoAngQC

+6