Nasa 30 indigent QCitizens ang nabigyan ng tulong-pangkabuhayan mula sa Odyssey Foundation Inc., Quezon City Government, at Department of Social Welfare and Development-NCR.

Ang mga benepisyaryo, na kabilang din sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay nakatanggap ng food cart na may kasamang cooking equipment at mga produkto.

Ibinigay sa kanila ang mga ito sa ginanap na awarding ceremony noong Biyernes, na dinaluhan nina Social Services Development Department OIC Carol Patalinghog, Odyssey Foundation Inc. Executive Director Patricia Magbanua, SSDD Vocational Development Division OIC Elma Ocrisma, at mga kinatawan ng DSWD-NCR.

Bago mabigyan ng livelihood assistance, sumailalim muna sila sa orientation sa food handling at food preparation. Magkakaroon din sila ng financial literacy training.

+18